Kayumanggi
    <description>Kayumanggi</description>
author's note
      <description>waaahh!!! sorry sorry sorry sorry sorry sorry!!!!! ang tagal na since last akong nakapagpost!!! waaaaahhh!! sorry sorry talaga!!
ps||| i don't need lawsuits...</description>
Sa Tabi ng Dagat
Sa Tabi ng Dagat
ni Ildefonso Santos
 Marahang-marahang
Manaog ka, Irog at kata’y lalakad
Maglulunoy katang
Payapang-payapa sa tabi ng dagat
Di na kailangang
Sapinan pa ang paang binalat-sibuyas,
Ang daliring garing
Sa sakong na waro’y kinuyom na rosas!
Manunulay kata
Habang maaga pa, sa isan pilapil
Na nalalatagab
Ng damong may luha ng mga bituin;
Patiyad na tayo
Ay maghahabulang simbilis na hangin,
Ngunit walang ingay,
Hanggang sumapit sa tiping buhangin.
Pagdating sa tubig,
Mapapaurong kang parang nangingimi,
Gaganyakin kata
Sa nangaroong mga lamang – kati;
Doon ay may tahong
Talaba’t... (more)</description>
Ang Pamana
Ang Pamana
Ni Jose Corazon de Jesus
 Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw
Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;
Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay
At ang sabi “itong pyano sa iyo ko ibibigay,
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.”
Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha
Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,
Subalit sa aking mata’y may namuong mga... (more)</description>
Disclaimer
      <description>I would just like to repeat that all the articles, essays, literary compositions found on this site do not belong to me. They belong to the incredible people whose names are found right after the title. Please don't sue me...I'm terribly afraid of rabid lawyers...I only posted this for a school requirement...and for recreational purposes...
authoress</description>
Tata Selo
Tata Selo
ni Rogelio Sikat
            Ang panitikan ay salamin ng buhay. Ito’y isang representasyon ng mga karanasan sa buhay ng tao sa tulong ng mga salita. Sa kuwentong ito, alamin kung anong mga pangyayari sa mga tao sa lipunan ang malinaw na pinapaksa ng may akda. Matagumpay ba itong nailahad ng may akda? Anong paraan ang ginamit niya?
            Maliit lamang sa simula ang kalumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit ng tumaas ang araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng bahay-pamahalaan.
            Naggitgitan ang... (more)</description>
Sa Pula, Sa Puti
Sa Pula, Sa Puti
Ni Francisco "Soc" Rodrigo
Kulas: A…hem! E, kumusta ka ngayong umaga, Celing.
Celing: Mabuti naman, Kulas. Salamat at naalala mo akong kamustahin.
Kulas: Si Celing naman, bakit naman ganyan ang sagot mo sa akin?
Celing: Sapagkat pagkidlat ng mata mo sa umaga, wala ka ng iniisip kamustahin at himasin kundi ang iyong tinali. Tila mahal mo ang tinali mo kaysa sa akin.
Kulas: Ano ka ba naman, Celing, wala ng mas mahal pa sa akin sa buhay na ito kundi ang asawa.
(Ilalagay ang kamay sa balikat ni Celing).
Celing: Siya nga ba? Ngunit kung nakikita kong hinihimas mo ang iyong... (more)</description>
Mabangis na Lungsod
Mabangis na Lungsod
Ni Efren R. Abueg
 1.      Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong sa araw-araw ay may bagong lunas na walang bisa. Ngunit ang gabi ay waring maninipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.
2.      Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawang taong gulang na si Adong.... (more)</description>
miscel
      <description>Kay, I'm so sorry I wasn't able to reply the mails at once. Internet connection got busted. So here they are...
PenPusherM: Hey! I know you! A Fanfiction.net writer, correct? It's nice to meet you! I saw your name mentioned in several fanfics. Hey, you understand Tagalog? How did you know about this blog anyway? Oh, and sure! I'd be happy to! n_n
mickizah_A1: Um, yeah...I typed all of these posts myself, and there's... (more)</description>
Pag-ibig at Pag-asa
      <description>Pag-ibig at Pag-asa
            Mayaman, maunlad at makapangyarihan man ang isang bansa, kung wala namang kapwa bansa at pagpapahalagang umiiral sa puso ng kanyang mga mamamayan ay wala rin katahimikang matatamo.
            Tayo’y pinagkalooban ng Poong Maykapal ng kalayaang pumili ng mali o tama; ng kapangyarihang sumuway o sumunod ayon sa iniaatas ng ating damdamin. Anumang bagay na makasasama sa kapwa ay hindi pag-ibig. Anumang bagay na mapapipinsala ay hindi nagmamalasakit sa kapwa. Kung sinusunod lamang ito ng bawat bansa, sana’y wala nang mga digmaan, walang labanan, walang... (more)</description>
Kayumanggi Notes
      <description>            Ang isang akdang nakatuon sa teoryang humanismo ay nagbibigay-pansin sa tauhan. Ipinakikita ang magagandang saloobin ng tao na nakapaloob sa mga tiyak na pahayag sa akda. Maaari ring idagdag ang magagandang damdaming nangingibabaw sa tauhan.
            Sa pagbasa ng isang akdang pampanitikan na ang pinagtutuunan ng pansin ay teoryang formalismo, maaaring bigyang-pansin ang istraktura o pagkakabuo nito. Isa sa mga tinitingnan ay ang kabisaan ng pagkakagamit ng matatalinghagang pahayag.
            Kabilang din dito ang sukat sa tula na nagpapakita ng bilang ng pantig sa... (more)</description>