|
Mga Hudyat ng Bagong Kabihasnan Ni Simon A. Marcelo “Walang mangyayari sa balat ng lupa, Di ma’y kagalingang iyong ninanasa.” Kumislap ang isip ng pantas na malay At ang sandaigdig ay naliwanagan Nagsipamulaklak ng dunong na yaman Ang nangagpunyaging paham na isipan; At tayo’y nagising sa bagong kandungan Ng pagkakasulong ng sandaigdigan! Natuklas ng dunog na kahanga-hanga Ang Atom na siyang panggunaw sa lupa; Tila niloob ng Poong Bathala Na tayo’y matapos sa sariling nasa; Nakapabingit na sa pagkariwara Ang ating daigdig na lutang sa luha! Sa bagong liwanag ng pagkakasulong Ay nangatuklasan ang lihim kahapon; Ang mundo’y kumitid sa lipad ng dunong, Nalakbay ang langit ng bakal na ibon, Nasisid ang mga dagat na maalon Ng taong palakang nagwagi sa layon! Sa bilis ng bagong nilikhang panuklas Narating ang buwan ng bakal na limbas; Noon naman unang sa buwa’y lumunsad Ang dalawang bunying astronauts na tanyag; Subalit hindi pa lubos na matiyak Kung ang buhay rito doo’y magluluwat. Sa niyanig – yanig ng mundong mabilog Kapag may malaking bombang sinusubok, Ang ehe ng mundo, ay baka mahutok At saka malihis sa kanyang pag-ikot, Pag ito’y nangyari, mundo’y matatapos Dahils sa paghinto ng kanyang pag-inog! Hindi lamang iyan, may panganib pa ring Ang mundo’y matapos hindi man mithiin, Sa dalawa kayang malakas ay alin Ang hindi magnasang ang isa’y linlangin? Mundo’y matatapos, dapat na tantuin, Sa sandaling biglang ang isa’y magtaksil! May panganib pa rin sa bawat pagsubok Ng bombang may lasong buga sa fallout; Ito kung pumuksa sa tao’y kilabot Higit na mabangis sa alinmang salot; Pag ito’y kumalat ay katakut-takot, Walang mabubuhay sa buong sinukob! Sa ngayon, sa hanging ating nilalanghap Ay may kahalo nang maruruming sangkap; Kapag ito’y hindi nalunasan agad Ay sa lason tayo mapupuksang lahat; Kung bakit ang tao’y habang umuunlad Saka nalalapit na lalo sa wakas! Nang ang Hiroshima’t Nagasaki’y minsang Bagsakan ng bombang karaniwan lamang, Sa dalawang pook na pinaghulugan Ay napakaraming nakitlan ng buhay; Kung ang ibabagsak ay bombang panggunaw Dagat na ang Hapon sa kasalukuyan! Pag bombang agawton ang siyang ginamit Sa Luson, Bisaya, Mindanaw, karatig, Dahilan sa lakas na napakalabis Ang sangkapulua’y lulubog sa tubig; Huwag nawa sanang loobing ng langit Na ang Santinakpa’y maglaho sa titig! Ang pag-uunahan ng dalawang lakas Na sa kalawakan ay magharing ganap, Ay nagbababalang di na magluluwat At tayo sa digma’y muling magsisiklab; Maanong loobin ng nasa Itaas Na huwag na sanang dumating ang wakas! Ang Arabya, Jordan, Israel, Ehipto, Cambodia’t Vietnam, nag-iipu-ipo; Ang hihip ng hangin kapag di nagbago Sa apoy ng digma’y masusunog tayo; Lalo pag ang Tsina’y nagtaas ng ulo At saka ang Rusya’y gumamit ng Maso! Nais na lamugin ng Maso at Karit Kung magagawa lang, ang lupa at langit; Ang Agila naman sa pagpupumilit Na siyang mauna’y hindi matahimik; Bakit ba kung sino ang sa yama’y labis Siyang mapangamkam, siyang mapanlupig? Wala pang sanggol sa kasalukuyan Sa pagbombang higit ang bilis sa ingay, Kaya kapag tayo’y biglang sinalakay Di makahanda nais mang lumaban; Dahil dito kaya dapat pagsikapan Na mapagkasundo ang sangkatauhan! Hindi nga masamang ang Tao’y Lalo kung may mithing dakila at tapat, Pagkat likas lamang sa taong maghangad Kung nasa ibaba, na siya’y mataas, Nguni’t ang masama’y ang magpakapantas Upang ang mabuting binuo’y iwasak! Di dapat gumamit ng mga sandatang Bukod sa pangwakas, may lasong kasama; Idalangin nating magkaisa sana Ang sangkatauhan sa mithi at pita; Pag tayo’y nabubuklod na gintong panata Ang sandaigdiga’y wala nang balisa! Kapag nagkaroon ng lason sa tubig Gayon din ang hangin na dating malinis, Lahat ng may buhay sa Silong ng langit Ay matatapos nang parang panaginip; Saka lamang naman magiging tahimik Kung dito’y wala nang mga manlulupig Dahil dito kaya kinakailangang Iwasabn ang imbot at mga hidwaan; Pagsikapan nating tuparing lubusan Ang aral na tayo ay mangan-ibigan; Sapagka’t ang Eden ay naglaho lamang Nang si Ada’t Eva’y lumabag sa aral! Agawin sa kamay ng imbot at inggit Ang kapayapaan nitong sandaigdig; Sugpuin ang dahas at lakas ng lupit Sa pamamagitan ng Santong Matuwid; Ang Diyos ay gising, di ipagkakait Ang Kanyang saklolo sa api at amis! Kapag ang Ama nang Makapangyarihan Ang siyang nagtanggol sa aping kat’wiran, Hindi maglalao’t ang sangkatauhan ay makakandon sa ang kalwalhatian; Saka ang ligalig na sandaigdigan Ay mahihimbing na sa katahimikan.
|
| Name November 24, 2009 06:08 PM PST buti na lng mron nito.....copy paste na lng sa project....tnx....... | ||
| JESSA November 23, 2009 05:38 AM PST MERON BANG TAO | ||
| JESSA November 23, 2009 05:38 AM PST ANONG IBIG IPAHIWATIG O MENSAHE NG TULA PLEASE TULONG ASS LNG POH??????? | ||
| JESSA November 23, 2009 05:37 AM PST ANONG IBIG IPAHIWATIG O MENSAHE NG TULA PLEASE TULONG ASS LNG POH??????? | ||
| JESSA November 23, 2009 05:37 AM PST ANONG IBIG IPAHIWATIG O MENSAHE NG TULA PLEASE TULONG ASS LNG POH??????? | ||
| westlife November 23, 2009 05:28 AM PST ang haba naman ng tula ang lalim pang mga slita ,,pwede ung gustong ihatid ng tula nalang ang ilagay dyan | ||
| Name November 9, 2009 11:19 PM PST ganda ng tula noh sobrang cheezy........................... | ||
| fe January 27, 2009 02:02 AM PST the poem it so touch | ||
| beth January 21, 2009 02:24 AM PST ganda tlga ng mga tula!!! | ||
| razel jan alvarado January 18, 2009 11:45 PM PST this poem is very interesting to all the reader who read this poem. | ||
| janleater November 29, 2008 04:06 AM PST pwede bang bakigawa ng tula | ||
| virgilio i basmayor November 20, 2008 03:30 AM PST fdfcfhbv n | ||
| me November 18, 2008 04:30 AM PST pwede bng pakitel ung tungkol saan ung tula?tnx | ||
| me November 18, 2008 04:30 AM PST pwede bng pakitel ung tungkol saan ung tula?tnx | ||
| myza November 14, 2008 08:30 PM PST 8ts very nice poem 8tshelp my studying,,,kep a god job ...thanck you very much,,, | ||
| hanna November 5, 2008 02:23 PM PST The poem was very useful.Good Job,Keep up the good work...Thank You.. BYE | ||
| Leave a Comment: |