Entry: Ang Pamana 2007-02-05



Ang Pamana
Ni Jose Corazon de Jesus

 Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw
Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;
Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay
At ang sabi “itong pyano sa iyo ko ibibigay,
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.”

Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha
Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,
Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha
Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa;
Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa at
            sa halip na magalak sa pamanang mapapala,
Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita
Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata
Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.

”Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasiyahin
at huwag nang Makita pang ika’y Nalulungkot mandin,
O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin
Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?”
”Wala naman,” yaong sagot “baka ako ay tawagin ni Bathala
Mabuti nang malaman mo ang habilin?
Iyang pyano, itong silya’t aparador ay alaming
Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw.”

 “Ngunit Inang,” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan
Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan
Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang
Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw
Aanhin ko iyong pyano kapag ikaw ay mamatay
At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay?
Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman
Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan
Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay.”

   7 comments

divine_29
November 25, 2009   04:04 AM PST
 
...an6 6anda nit0... 6rabEh
Name
September 25, 2009   04:29 AM PDT
 
ANG GANDA NITONG POEM NA TO!!!!
Name
January 13, 2009   05:16 PM PST
 
this poem reminds me on my elementary years..............it was my piece on a contest
RONEL Villanueva
August 5, 2008   03:18 AM PDT
 
this poem is memorable for me since my dad taught me this poem when I was a child. Now that he had passed, this poem will be a part of my life.

I agree with Salus the line "... Na hindi ko mapigilan at di ko masansala" is missing and should be placed before the line " Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa.

Jose Corazon de Jesus is one of my favorite Poet. I used to recite his other poems like "ang pagbabalik" at "Isang punong Kahoy'>
RONEL Villanueva
August 5, 2008   03:16 AM PDT
 
this poem is memorable for me since my dad taught me this poem when I was a child. Now that he had passed, this poem will be a part of my life.

I agree with Salus the line "... Na hindi ko mapigilan at di ko masansala" is missing and should be placed before the line " Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa.

Jose Corazon de Jesus is one of my favorite Poet. I used to recite his other poems like "ang pagbabalik" at "Isang punong Kahoy'>
joseph ewy
February 4, 2008   03:58 AM PST
 
i was searching for poems that are wonderful this reminds me to my dad
Salus Trinidad
December 19, 2007   10:02 AM PST
 
Is there a line missing after subalit sa aking mga mata'y may namuong mga luha, Na hindi ko mapigilan, at hindi ko masansala.... It's been almost 50 years since I've read this "tula" and it's so nice to reminisce the years trying to recall the lines. Thanks!

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments