Entry: Mabangis na Lungsod 2006-12-09



Mabangis na Lungsod
Ni Efren R. Abueg

 1.      Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong sa araw-araw ay may bagong lunas na walang bisa. Ngunit ang gabi ay waring maninipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.

2.      Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawang taong gulang na si Adong. Ang gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi’y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroon, kundi dahil sa naroroon, katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kanya kung naroon man o wala ang gabi— at ang Quiapo.

3.      Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi’y mailaw at maingay. Huwag lamang matitinag ang simbahan at huwag lamang mababawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na hinahanap sa isang marikit. Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong.

4.      Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket sa suwipistek, ng kandila, ng kung anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. At sa mga hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala naman ang mga nasa hanay na iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglaglag ng singko o diyes sa maruruming palad.

5.      Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan. Kangina pa siyang tanghali sa loob ng marusing na bakuran ng simbahan. Nagsawa na ang kanyang mga bisig sa kalalahad ng kamay, ngunit ang mga sentimong kumakalansing sa kanyang bulsa ay wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kanyang sikmura at sinasapian pa ng takot na waring higad sa kanyang katawan.

6.      “Mama…Ale, palimos na po.”

7.      Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng mga kamay ay hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay nagpapahalata ng pagmamadali ng pag-iwas.

8.      “Singko po lamang, Ale…hindi pa po ako nanananghali!”

9.      Kung may pumapansin man sa panawagan ng Adong, ang nakikita naman niya ay irap, pandidiri, pagkasuklam. “Pinaghahanapbuhay ‘yan ng mga magulang para maisugal,” madalas naririnig ni Adong. Nasaktan siya sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon ay untag sa kanya ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na kanyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan.

10.  At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinapahalata kay Aling Ebeng, ni kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang paghingi sa kanya nito ng piso, sa lahat. Walang bawas.

11.  “May reklamo?” ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito’y nanlilisik kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay.

12.  At ang mga kamay ni Adong ay manginginig pa habang inilalagay niya sa masakim na palad ni Bruno ang salapi, mga sentimong matagal ding kumalansing sa kanyang bulsa, ngunit kailan man ay hindi nakarating sa kanyang bituka.

13.  “Maawa na po kayo, Mama…Ale…gutom na gutom na ako!”

14.  Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa. Ang mga tao’y bantad na sa pagpapalimos ng maraming pulubi. Ang mga tao’y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ang karukhaan.

15.  Ang kampana ay tumugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali, narinig ni Adong ang pagkilos ng mga tao, papalabas, waring nagmamadali na tila ba sa wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa. Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kanyang palad at pagtawag sa mga taong papalapit sa kanyang kinaroroonan.

16.  “Malapit nang dumating si Bruno…” ani Aling Ebeng na walang sino mang pinatutungkulan. Manapa’y para sa lahat na maaaring makarinig

17.  Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kanyang bituka ang nararamdamang gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kanyang mga laman at nagpatindig sa kanyang balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. Habang nagdaraan sa kanyang harap ang tao—malamig walang awa, walang pakiramdam—nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa kanyang gutom at pangamba. Kung ilang araw na niyang nadarama iyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon pa’t waring umuuntag sa kanya na gumawa ng isang marahas na bagay.

18.  Ilang singkong bagol ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kundi inilaglag, sapagkat ang mga palad na nagbigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari bang mga kamay lamang na maninipis ang malinis. Dali-daling inilagay ni Adong ang mga bagol sa kanyang bulsa. Lumikha iyon ng bahaw na tunog nang tumama sa iba pang sentimong nasa kanyang palad at sa kaabalahan niya’y hindi niya napansing kakaunti na ang taong lumalabas mula sa simbahan. Nakita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang-bahala, ang mga hakbang ng pagmamadaling pag-iwas.

19.  “Adong…ayun na si Bruno,” narinig niyang wika ni Aling Ebeng.

20.  Tinanaw ni Adong ang inginuso sa kanya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad na katawan. Ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na gora. Napadukot si Adong sa kanyang bulsa. Dinama niya ang mga bagol. Malamig. At ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya kangina pa ay mamatay. Mahigpit niyang kinulong sa kanyang palad ang mga bagol.

21.  “Diyan na kayo, Aling Ebeng…sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!” mabilis niyang sinabi sa matanda.

22.  “Ano? Naloloko ka ba, Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Makita ka ni Bruno!”

23.  Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatuloy pa rin sa paglakad, sa simula’y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahan ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa paglakad. At akala niya’y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang mumunting iskinita. Sumandal siya sa poste ng ilaw-dabitab. Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan ng kanyang likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng isang musmos sa paghihimagsik, ng paglayo kay Bruno, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa nakatunghay na simbahan, na kabangisang sa mula’t mula pa’y nakilala niya at kinasuklaman. At iyon ay matagal din niyang pinakalansing.

24.  “Adong!” Sinundan iyon ng papalapit na mga yabag.

25.  Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibig niyang tumakbo. Ibig niyang ipagpatuloy ang kanyang paglaya. Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang bisig, niluluray ang munting lakas na nagkaroon ng kapangyarihang maghimagsik laban sa gutom, sa pangamba, at sa kabangisan.

26.  Bitawan mo ako, Bruno! Bitawan mo ako!” naisigaw na lamang ni Adong.

27.  Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang malulupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya.

   72 comments

debbie
November 26, 2009   10:52 PM PST
 
anu ba toh??
sigurado ka bah buod ito???
parang galing sa biblia atah!!!

peace out!!
Name
November 25, 2009   02:46 AM PST
 
la buod???
xara jane
November 24, 2009   03:11 AM PST
 
-buod pu ba tu?? ahaha kea pla di ccu mqetz unq nxa dulo nua tpuz nua pu ba iun ?? anu nanqyri kei adonq?? hihi lokonq bruno ian..
Name
November 19, 2009   06:22 PM PST
 
ang haba nmn
mark arvin
November 16, 2009   07:15 PM PST
 
ui ung buod nga nmn ng mabangis na lungsod ung maganda ahh.tnx
jeric
November 14, 2009   11:19 PM PST
 
murit ka ne
totskiie_27
November 12, 2009   03:01 AM PST
 
.lolzzz ((=
totskiie_27
November 12, 2009   03:01 AM PST
 
.lolzzz ((=
aen
November 5, 2009   04:57 AM PST
 
haha !wow nman
buod va twag jn?


haha...piz !


may paliwanag va keu
nyan
nung
MABANGIS NA LUNSOD
haha kelangan
kc sa
reporting ehh wahahahah

katamad mg icp aii..


mamatx ..:))
dennis
November 4, 2009   10:45 PM PST
 
wala bang maikling buod
wehhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhwehhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh
miggy
November 4, 2009   10:36 PM PST
 
thx kai kim sa buod
mj
October 28, 2009   05:01 AM PDT
 
.............nakakatanga kayo ...........e
broken_hearted
October 19, 2009   01:24 AM PDT
 
huy pesteeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee putang ina itoooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooo
Name
October 12, 2009   09:56 PM PDT
 
napakahaba naman
kim
October 8, 2009   05:10 AM PDT
 
BUOD:

Gabi na at hindi ito napapansin ni Adong

Para kay Adong, walang kabuluhan ang gabi at ang Quiapo

Isang bagay lamang ay may kabuluhan kay Adong- Ang simbahan at ang mga tao na pumupunta doon sapagkat ang simbahan ay buhay niya. Nakatunghay ang simbahan sa mga pulubi at mga nagtitinda at ito ay nahahabag at naaawa. Si Adong at ang iba ay nakatingala naman, hindi sa simbahan kundi sa mga taong may pusong magbigay ng lubos.

Mapapaiyak na si Adong. Ang mga sentimong kumakalansing sa kanayang bulsa ay wala pang tunog at katuwaan. Ito ay tunog ng babala. Babalang ipinaparamdam ng kanyang sikmura at takot.
. Ang mga tao ay malalamig na parang mga bato, walang bahala at nagmamadaling umiwas at ang tanging nakita niya ay mga irap.

“Pinaghahanapbuhay yan ng mga magulang para may maisugal” madalas na naririnig ni Adong at nasasaktan siya nito dahil sinasabi rin ito sa kanya ni Aling Ebeng

Halos araw araw siyang napapaiyak pero hindi niya pinapakita kahit kanino man.

Nanginginig ang kamay ni Adong habang inilalagay sa palad ni Bruno ang pera.

Ang mga daing ni Adong ay walang halaga. Ang mga tao’y naghihikaos na din kung kaya’t hindi na makapagbigay.
Ang mga tao ay lumabas ng simbahan at nagmamadali na parang ang pagtigil nila sa simbahan ay nakakapaso at mahapdi. Hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa at natuwa si Adong

Malapit na raw dumating si Bruno ayon kay Aling Ebeng. Napawi ang katuwaan ni Adong
Nakita ni Adong si Bruno. Dinama niya ang mga bagol sa kanyang bulsa at ito ay malamig. Ngunit ang lamig na ito ay hindi sapat para mamatay ang apoy na nararamdaman niya.

Sinabi niya kay Aling Ebeng “…sabihin niyo kay Bruno na wala ako.” At sinabi ni Aling Ebeng na “Ano? Naloloko ka na ba, Adong? Sasaktan ka ni Bruno!”

Narinig ito ni Adong ay siya’y nagpatuloy sa kakalakad at maya maya’y tumakbo na.

Nakaramdam siya ng tagumpay sa paglayo kay Bruno, sa gutom, sa quiapo etc.

Nahuli siya ni Bruno.

Naramdaman niya ang paghahagupit ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. Hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya
Lynzo
October 7, 2009   08:01 PM PDT
 
tanga nyo nman d nyo alam buod?
faithlyn
September 28, 2009   04:26 AM PDT
 
ilarawan niyo nmn p0 ung mbangis na lungsod plz!!!!!!!!!!!11
Name
September 23, 2009   05:58 AM PDT
 
anong buod dto sa kwento?
marvin
September 21, 2009   06:36 PM PDT
 
ano p ba ang buod nitong kwen2ng 2
nelozell
August 28, 2009   06:41 AM PDT
 
....tnx,,puoh,,,,nkuha,,ko n rn ang summary,,,,mamatsss ulit...

....plzz,, add me up,,,

,,,,sparkle_zellsh04@yahoo.com..


..........tnx add nio me hahh,,,,
friendlyeyes...........
July 9, 2009   12:48 AM PDT
 
hMmmMmM...............
ang ganda ng kwen2 nio poh.........
nakakainspired.............
bon amit
June 30, 2009   11:20 PM PDT
 
actually the story is very REALISTIC.
Ang sarap talaga pakinggan ang mga gawang Pinoy at isa na sa mga sinasaluduhan ko ay MABANGIS NA LUNGSOD ni EFREN R. ABUEG>....
MABUHAY>>>>>>>>>>>>>>
bon amit
June 30, 2009   11:16 PM PDT
 
the story is very interesting,it talks about the young boy who were begging in Quiapo,pero sayang din noh,yun pa ang naging ending.wala na bang karugtong nun?
sana lahat ng tao pantay-pantay,at may parehong karapatan sa lipunan pero that's the reality,'ika nga na walang maaapi kung walang nagpapaapi,pero sa katayuan ni Andong sa maikling kwento,wala pa siyang kamuwang-muwang sa mundo.lumaking walang magulang at lumaking nasa lansangan na ang tanging ikinabubuhay ay ang paglilimos.
sana kahit ganon sila sana'y bigyan naman natin sila ng puwang sa mundong ito sapagkat sa mundong ito isinilang tayo bilang isang TAO,
at bilang isang tao dapat nating bigyang halaga ang isa't-isa sa atin!
Extreme
June 23, 2009   03:39 AM PDT
 
buod ba yan?^^
ZHEN
June 14, 2009   04:56 AM PDT
 
........
NO COMMENT^^
cute koh!
March 13, 2009   07:41 PM PDT
 
nkoh poh!
ang haba naman ng buod ninyo weh
makz23
March 12, 2009   05:10 AM PDT
 
SUMISIGID POH BA? MEANING POH NUN AY TUMITINDI OK...
makz23
March 12, 2009   05:08 AM PDT
 
,,,jeje"""ang ganda, bruno walang hiya ka makita lang kita sa quiapo bugbog sarado ka sa akin,,wahhahha,,,ok kita kits tau sa quiapo""mamamalimos muna aq nuh,
jack
January 28, 2009   05:39 AM PST
 
ano po ang exact meaning sa tagalog ng
"SUMISIGID" WALA SA TAGALOG DICTIONARY BAKA ALAM NYO HELP NAMN THANX
asia gepte
January 23, 2009   07:17 PM PST
 
wow, thanks for posting this. i had a hard time looking for a book that has this story in it. studying this story isn't as bad as i thought. magaling nga pala talaga ang pagkakasulat sa kanya. anyway. salamat, ho, ng sobra.
jaz
January 19, 2009   06:07 AM PST
 
now i know ganyan pala ang buod..
ang saya naman... buod na buod nga siya... salamat poh!!
ghie12
January 17, 2009   09:53 PM PST
 
buOng kwento naman yan eh..
Shenica
January 17, 2009   07:50 PM PST
 
wahahaah................ Ang haba haba ng buod Grabehhhhh........... Prang hol s2ry ahhh............. next tym mas habaan nyo pahhhhh
jenny
January 17, 2009   01:01 AM PST
 
sobra naman pong haba ng buod niyo. nakakaloka.. diko ma carry..
Gabrielle
January 15, 2009   02:43 AM PST
 
'Di po yan bu0d. Mahaba ho talaga yan kasi Maikling Kwento po yung Mabangis na Lungsod ng Quiapo. Nabasa ko na po yan.
jean
January 14, 2009   10:29 PM PST
 
wala bang mas maikli lng ang haba kasi
joyce
January 13, 2009   07:53 AM PST
 
hay naku!!!!!


buod ba yan????


blackbloodpunkerz
January 7, 2009   07:20 PM PST
 
wow ang haba ng buod!
twilighthater
January 3, 2009   06:18 PM PST
 
ito po ba ang buong kwento?
Ray Angelo Baguio
December 2, 2008   05:34 PM PST
 
hehehe
roland b. eslabon
November 22, 2008   06:27 AM PST
 
woooow,,,, ang ganda poh nitong story my gosh!!!! ako p ang gumnap blang si adong kering keri ko nga eh!! ahahhaha ang sarap unawain at intindihin habang bnbasa!!!! sana nga may kadugtong n ito noh!!
Vee
November 13, 2008   06:17 AM PST
 
hope you include the publication details, or footnoting. thanks!
Name
November 11, 2008   04:06 AM PST
 
ang ganda po nito.....
Jhing
October 22, 2008   01:09 AM PDT
 
hellow poh.......... ang ganda aman poh .......because of this ng kron me ng interes 2 find like this article.....keep up the good work....and 'GOD BLESS POH 2 ALL'
Name1
October 18, 2008   09:28 AM PDT
 
............
SAMBELI ALLY RHOSE
October 6, 2008   04:15 PM PDT
 
ganda nmn ng LOVE STORY nla^_^ cleufe at ariel ba un =)
Name
October 6, 2008   04:14 PM PDT
 
favorite ko yung SA BAGONG PARAISO ^_____^
camillei of au
September 27, 2008   07:44 PM PDT
 
im looking for the buod,not the whole story!
Name
September 22, 2008   12:35 AM PDT
 
ako pogi
pogi
August 28, 2008   03:25 AM PDT
 
hi po
piolo
August 20, 2008   06:17 PM PDT
 
pogi ako
rhea jane
August 4, 2008   03:09 AM PDT
 
ang ganda po ng kwento,may sense,may magandang aral......pwede po bang ung bagong paraiso ni efren.....the best rin un..............hindi po ako magsasawang basahin ang mga kwentong gawa ni efren.....nakakaantig po talaga ng puso.........helo po pala sa lahat ng taga normisist,beed science..hehehe
rhea jane
August 4, 2008   03:09 AM PDT
 
ang ganda po ng kwento,may sense,may magandang aral......pwede po bang ung bagong paraiso ni efren.....the best rin un..............hindi po ako magsasawang basahin ang mga kwentong gawa ni efren.....nakakaantig po talaga ng puso.........helo po pala sa lahat ng taga normisist,beed science..hehehe
RHEA JANE
August 4, 2008   02:55 AM PDT
 
.......WOW ANG GANDA PO NG KWENTO,NAKAKAANTIG NG PUSO
monico francisco
July 12, 2008   08:07 PM PDT
 
hidi lang maganda ang pagkakalikha talagang mahusay. kahit sino ang magbabasa ay madadala ng emosyon. dahil sa gnitong babasahin lalo akong naakit na magbabasa.
debhe felecia
June 15, 2008   03:10 AM PDT
 
hi elow sa mga clasm8 ko jejejejeje
\see nyo nahanap ko n hahaha!!!!mga taga ramon dyan wahhhhhhhhh!!!!!!!!!!! seee you on monday
joseph pagcaliwangan
March 22, 2008   03:50 AM PDT
 
ahahahahah....ang astig ng qwento mo p're...heheheh....nyz!!!
jomar orilla
March 3, 2008   01:12 AM PST
 
sarap gawaan ng dulo! sana ay my k2loy na po ito! FILIPINO teacher nmin gling ikwento ang Mabangis na Lungsod!!!!
Mam, Madz! saludo po aq sa inyo! at kay mr.Efren R. Abueg gling po ninyo! humahanga po aq sa inyong kgaling! s nga lan ng aking paaralan! SMHS minalin pampanga! sna po ay my mga aklat na mkaka2long sa aming pagaaral! salamat po!
darlne
March 2, 2008   06:18 PM PST
 
hay finally i tot i wnt be able to find this mabangis na lungsod by efren abueg. to all u guyz hu made dis effort tnx a lot.
Art
February 26, 2008   02:46 PM PST
 
cool story.. it really helped me with my filipino subject. hehe! ^^
ladylyrine
February 24, 2008   10:18 PM PST
 
pwede example ng romantisismo.............txt u me 09094273936 15 f
herlee
January 28, 2008   01:18 AM PST
 
wow.. ganda! lagot ka skin bruno!!! wag kang mgpapakita skn! haha
d0ngbitz
January 14, 2008   05:49 AM PST
 
pede po ba mag post kayo ng ibang halimbawa ng maikling kuwento ni efren abueg?plzz....kailanagan sa projct namin ehhhh......yung may ugnayan sa pananw arkteyp...
d0ngbitz
January 14, 2008   05:49 AM PST
 
pede po ba mag post kayo ng ibang halimbawa ng maikling kuwento ni efren abueg?plzz....kailanagan sa projct namin ehhhh......yung may ugnayan sa pananw arkteyp...
d0ngbitz
January 12, 2008   08:01 PM PST
 
slamat..
wla na bang iba na gwa ni abueg??
jini
November 21, 2007   10:04 PM PST
 
thanks it really help me a lot may i know if this pic. is yours i would like to say hellow to rolando from 4-1 im jini
Franco
November 8, 2007   02:14 AM PST
 
thanks man....this really helps....you know, im really having a hard time on searching on the inrnet for tagalog articles, maikling kwento, and other philippine thingy nowadays...good job... ;P

by the way, i normally do the searching for my pamangkin's assignment...damn teachers! hehe
dualc
September 28, 2007   11:32 PM PDT
 
may nakakaalam po ba ng related na article o story sa mabangis na lungsod?
Kristine
September 24, 2007   03:03 PM PDT
 
merun kaming bagong paraiso! kaya lng nasa portext nmin... ang haba,,, kakabasa ko nga lang eh..
mich
September 12, 2007   08:40 PM PDT
 
pakipost nmn nung sa bagong paraiso plzzzzzzzzzzzzzz kailangan namin yun plzzzzzzzzzz
KeNt EriC
August 21, 2007   02:11 AM PDT
 
pede po ba ung sa bagong paraiso ni efren reyes abueg project po nmn plzzzzzzzzzzzzzz!!!!!!!!!!!!!!!tnx po
KeNt EriC
August 21, 2007   02:11 AM PDT
 
pede po ba ung sa bagong paraiso ni efren reyes abueg project po nmn plzzzzzzzzzzzzzz!!!!!!!!!!!!!!!tnx po

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments