Pag-ibig at Pag-asa
Mayaman, maunlad at makapangyarihan man ang isang bansa, kung wala namang kapwa bansa at pagpapahalagang umiiral sa puso ng kanyang mga mamamayan ay wala rin katahimikang matatamo.
Tayo’y pinagkalooban ng Poong Maykapal ng kalayaang pumili ng mali o tama; ng kapangyarihang sumuway o sumunod ayon sa iniaatas ng ating damdamin. Anumang bagay na makasasama sa kapwa ay hindi pag-ibig. Anumang bagay na mapapipinsala ay hindi nagmamalasakit sa kapwa. Kung sinusunod lamang ito ng bawat bansa, sana’y wala nang mga digmaan, walang labanan, walang alitan. Ang daigdig ay magiging patuloy sa pag-inog na mapayapa.
Tayo’y mga Kristiyanong nakababatid ng mga banal na tungkulin at pananagutan sa Diyos at sa tao. Pagpitaganan natin ang sinumang nilalang ng Diyos maging anuman ang kanyang kulay at bansang pinagmulan. Ipakilala nating ang Pilipinas ay sadyang isang bansang maka-Diyos. Pag-ibig sa kapwa ay ating pairalin.
Bawat taong may pag-ibig ay may pag-asa. Maganda lagi ang pagtingin niya sa buhay. Ang pag-asa tulad ng pag-ibig ay matibay na kalasag ng isang tao laban sa mga dagok ng kapalarang. Pag-asa ang pinanghahawakan ng mga taong naaapi at hinahamak. Pag-asa ang pandugtong sa buhay ng mga magulang na naghahangad ng tagumpay ng kanilang mga anak pagkatapos ng marami nilang paghihirap. Pag-asa ang nagbibigay-lakas sa mga taong may-sakit at nagugutom. Pag-asa sa tulong ng iba at pag-asa sa Diyos ang nagbibigay-kulay sa paghihintay.
Ano ang pag-ibig at pag-asa? Ito’y kambal na damdaming di-maaaring paghiwalayin. Ito’y lakas, pangarap, mithiin at siglang nagbibigay-buhay sa sinumang may pagtingin at magandang pananaw sa buhay. Ito’y damdaming makatao, makabayan, at higit sa lahat, maka-Kristiyano at maka-Diyos.
a/n: Aarrgh!! Gomen nasai!! Konti lang talaga ang free time ko this week kaya ito lang ang natype ko!
(Arrgh!! Gomen nasai!! I barely had a free time this week, that's why I was only able to type this piece!)
a/n: oh and before I forgot, this is not mine...so now lawsuits please...
Posted at Friday, November 17, 2006 by Tari_Coamenel