Ang buod ng kasaysayan ng Banaag at Sikat ay lumiligid sa mga adhikain at paninindigan ng dalawang magkaibigang sina Felipe at Delfin. Si Felipe ay anak ng isang mayamang presidente ng isang bayan sa Silangan. Dahil sa kanyang pagkamuhi sa mga paraan ng pagpapayaman ng kanyang ama at sa kalupitan nito sa mga maralitang kasama sa bukid at sa mga utusan sa bahay ay tinalikdan niya ang kanilang kayamanan, pumasok na manggagawa sa isang palimbagan, at nanligaw sa isang maralita ngunit marangal na dalaga, si Tentay. Samantala, siya’y nakatira sa isang bahay ng amang-kumpil na si Don Ramon sa Maynila. Ang mga paraan ni Don Ramon sa pagpapayaman, ang kanyang mababang pagtingin sa mahihirap at ang pag-api niya sa mga pinamumunuan ay nakapagpalubha sa pagkamuhi ni Felipe sa lahat ng mayayaman at nagpapatibay sa kanyang pagiging anarkista.
Pinangarap niya ang araw na mawawala ang mga hari, punumbayan at alagad ng batas, ang lahat ng tao’y magkakapantay-pantay at magtatamasa ng lubos na kalayuan at patas na ginhawa sa buhay.
Nang pilitin ng ama na umuwi sa kanilang bayan, siya’y sumunod. Subalit itinuro niya sa mga kasama sa bukid at sa mga katulong sa bahay ang kanilang karapatan. Sa galit ng ama, siya’y pinalayas at itinakwil bilang anak. Nagbalik siya sa dating pinapasukan sa Maynila at hinikayat si Tentay na pumisan sa kanya kahit di kasal, sapagkat tutol siya sa mga seremonyas at lubos na naniniwala sa malayang pag-ibig.
Si Delfin ay hindi anarkista kundi sosyalista. Hindi niya hinangad na mawala ang pamahalaan ngunit katulad ni Felipe ay tutol siya sa pagkakaipon ng kayamanan sa ilang taong nagpapasasa sa ginhawa samantalang libu-libo ang nagugutom, nagtitiis at namamatay sa karalitaan. Tutol din siya sa pagmamana ng mga anak sa kayamanan ng mga magulang. Siya’y isang mahirap na ulilang pinalaki sa isang ale (tiya). Habang nag-aaral ng abogasya ay naglilingkod siya bilang manunulat sa isang pahayagan. Kaibigan siya at kapanalig ni Felipe, bagamat hindi kasing radikal nito.
Nais ni Felipe ang maagang pagtatamo ng kanilang layunin, sukdang ito’y daanin sa marahas na paraan, samantalang ang hangad ni Delfin ay dahan-dahang pag-akay sa mga tao upang mapawi ang kamangmangan ng masa at kasakiman ng iilang mayayaman, sa pamamagitan ng gradwal na pagpapasok sa Pilipinas ng mga simulain ng sosyalismo.
Si Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga at isang anak na lalaking may asawa na. Ang mga dalaga’y sina Talia at Meni. Si Talia ay naibigan ng isang abogado, si Madlanglayon. Ang kasal nila’y napakarangal at napakagastos, isang bagay na para kina Felipe at Delfin ay halimbawa ng kabukulan ng sistema ng lipunan na pinangyayarihan ng mayayamang walang kapararakan kung lumustay ng salapi samantalang libu-libong mamamayan ang salat na salat sa pagkain at sa iba pang pangunahing pangangailangan sa buhay.
Sa tulong ni Felipe noong ito’y nakatira sa bahay ni Don Ramon, nakilala at naibigan ni Delfin si Meni. Si Don Ramon ay tutol sa pangingibig ni Delfin sa kanyang anak; dahil ito’y maralita, at ikalawa, dahil tahasang ipinahayag nito ang kanyang pagkasosyalista sa isang pag-uusap nilang dalawa sa isang paliguan sa Antipolo. Ang pagtutol na ito ay walang nagawa. Nakapangyari ang pag-ibig hanggang sa magbinhi ang kanilang pagmamahalan.
Nang mahalata na ni Talia at ni Madlanglayon ang kalagayan ni Meni, hindi nila ito naipaglihim kay Don Ramon. Nagalit si Don Ramon; sinaktan nito si Meni at halos patayin. Sa amuki ni Madlanglayon, pumayag si Don Ramon na ipakasal si Meni kay Delfin, Subalit nagpagawa ng isang testamento na nag-iiwan ng lahat ng kayamanan sa dalawa niyang anak; si Meni ay hindi pinagmanahan.
Si Meni ay nagtiis sa buhay-maralita sa bahay na pawid na tahanan ni Delfin. Paminsan-minsan, kung mahigpit ang pangangailangan, nagbibili siya ng mga damit o nagsasangla ng kanyang mga alahas noong dalaga pa. Ito’y labis na dinaramdam at ikinahiya ni Delfin at ng kanyang ate, subalit wala naman silang maitakip sa pangangailangan.
Sa simula, si Meni ay dinadalaw ng dalawang kapatid, lalo na si Talia, at pinadadalhan ng pera at damit. Subalit ang pagdalaw ay dumalang nang dumalang hanggang tuluyang mahinto, ay gayon din ang ipinadadalang tulong. Samantala, si Don Ramon, sa laki ng kanyang kahihiyan sa lipunan dahil sa kalapastangang ginawa ni Meni at ni Delfin, ay tumulak patungong Hapon, Estados Unidos at Europa, kasama ang isang paboritong utusan. Wala na siyang balak bumalik sa Pilipinas. Nakalimutan niya ang pagwasak na nagawa niya sa karangalan ng maraming babae na kanyang kinasama; ang tanging nagtanim sa kanyang isip ay ang pagkalugso ng sariling karangalan sa mata ng lipunan dahil sa kagagawan ni Meni.
Samantala, nagluwal ng isang sanggol na lalaki si Meni. Sa pagnanais na makapaghanda ng isang salu-salo sa binyag ng kanyang anak, susog sa mga kaugalian, si Meni ay nagsangla ng kanyang hikaw, sa kabila ng pagtutol ni Delfin na tutol sa lahat ng karangyaan. Ang ninong sa binyag ay si Felipe na hindi lamang makatanggi sa kaibigan, subalit kontra rin sa seremonyas ng pagbibinyag. Bilang anarkista ay laban siya sa lahat ng pormalismo ng lipunan. Sa karamihan ng mga pangunahing dumalo, kumbidado’t hindi, ay kamuntik nang kulangin ang handa nila Delfin, salamat na lamang at ang kusinero ay marunong ng mga taktikang nakasasagip sa gayong pangyayari.
Ang kasiyahan ng binyagan ay biglang naputol sa pagdating ng isang kablegrama na nagbabalitang si Don Ramon ay napatay ng kanyang kasamang utusan sa isang hotel sa New York. Nang idating sa daungan ang bangkay, sumalubong ang lahat ng manggagawa sa pagawaan ng tabako sa atas ni Don Felimon, kasosyo ni Don Ramon, na nagbabalang hindi pasasahurin sa susunod na Sabado ang lahat ng hindi sasalubong.
Kasama sa naghatid ng bangkay sa Pilipinas si Ruperto, ang kapatid ni Tentay na malaon nang nawawala. Pagkatapos makapaglibot sa Pilipinas, kasama ng isang Kastilang kinansalaan niya sa maliit na halaga, siya’y ipinagbili o ipinahingi sa isang kaibigang naglilingkod sa isang tripulante. Dahil dito, nakapagpalibot siya sa iba’t ibang bansa sa Aprika at Europa, at pagkatapos ay nanirahan sa Cuba at California, at sa wakas ay namalagi sa New York. Doon siya nakilala at naging kaibigan ng utusang kasama ni Don Ramon na naninirahan sa isang hotel na malapit sa bar na kanyang pinaglilingkuran. Si Ruperto ang nagsabi kay Felipe na kaya pinatay si Don Ramon ay dahil sa kalupitan nito sa kanyang kasamang utusan.
Ang libing ni Don Ramon ay naging marangya, kagaya ng kasal ni Talia. Hanggang sa libingan ay dala-dala pa ng mayamang pamilya ni Don Ramon ang ugali ng karangyaan ng pananalat at paghihirap ng maraming mamamayan. Sa libingan ay Naiwan sina Delfin at Felipe na inabot ng talipsilim sa pagpapalitan ng kuro-kuro at paniniwala.
Naalaala ni Felipe ang kaawa-awang kalagayan ng mga kasama’t utusan ng kanyang ama. Nasambit ni Delfin ang kawalang pag-asa para sa maralitang mga mamamayan habang namamalagi sa batas ang karapatan ng mga magulang na magpamana ng yaman at kapangyarihan sa mga anak. Nagunita nila ang laganap na kamangmangan at mga pamahiin, ang bulag na pananampalataya. Kakailanganin ang mahaba at walang hanggang paghihimagsik laban sa mga kasamang umiiral. Marami pang bayani ang hinihingi ang panahon. Kailangang lumaganap ang mga kaisipang sosyalista, hindi lamang sa iisang bansa kundi sa buong daigdig bago matamo ang tunay at lubos na tagumpay. Napag-usapan nina Felipe at Delfin ang kasaysayan ng anarkismo at sosyalismo – ang paglaganap nito sa Europa, sa Aprika, at sa Estados Unidos. Sinabi ni Felipe na ang ilang buhay na napuputi sa pagpapalago ng mga ideyang makamaralita ay kakaunti kung ipaparis sa napakamaraming tao na araw araw ay pinahihirapan. Subalit matigas ang paninindigan ni Delfin laban sa ano mang paraang magiging daan ng pagdanak ng dugo.
Sa kabila ng pagkakaibang ito ng kanilang paninindigan ay nagkaisa sila sa pagsasabi, sa kanilang pag-alis sa libingan, noong gumagabi na, “Tayo na: iwan nati’t palipasin ang diin ng gabi."
A/N: ask ko lang, ano ba ang ibig sabihin ng “anarkismo” at “sosyalismo”?
Posted at Friday, November 10, 2006 by Tari_Coamenel
wendy November 25, 2009 04:08 AM PST
ganda puh ng banaag at sikat pwede puh buh sana paki summarize suberi haba ee pero ganda puh !!!!
tin tin. November 24, 2009 06:42 AM PST . hmm anu puh ibig sbhin ng banaag at eung sikat ?
. pls answer ..
. ill wait for it ..
. thx ..
. arigato gozaimasu in advance =]
. mwahugz ..
♥ =]
bhem November 24, 2009 02:30 AM PST danda aman..,.sna sgutin u ung mga tanong nila.,.,.anu ibg xvhin ng banaag at sikat,.,.,.----marynel p. pazon
jomari6576 November 23, 2009 06:51 AM PST >>makatotohanan ba ang katauhan nina don ramon at ng kanyang mga anak sa kwento ? patunayan.
>>ano ang masasabi mo sa pamagat na ginamit ng may-akda?
>>sino and dahilan kung bakit nagkaroon ng suliranin ang tauhan ? maayos ba at nalinaw itong nailarawan?
pakisagutan lng poh..?
plss.
Name November 22, 2009 05:37 PM PST sosyalismo - ang mga mamamayan ang may higit na karapatan sa lahat ng mga gawaing pangangalakal, mga pag-aari, at mga pagawaing pambansa
anarkismo - ay naniniwala sa marahas na pagbuwag sa mga namamayaning kapangyarian at kalupitan ng mga mayayamang may-lupa.
joan November 22, 2009 01:13 AM PST bakit po banaag at sikat ang pamagat?
pls po, pakisagot
assignment ko lang po
RB DELUNA November 21, 2009 10:55 PM PST rollibendeluna@rocketmail.com
sana po may mga ibig sabihin yang mga di pamilyar na mga salita baka tanungin po ako ng masungit kong teahcer
nabibiro lang poh ako magaling po shang teacher
don jesus gonzales high school
III-agape third year student
kim November 20, 2009 08:51 AM PST ano poh vah ang ibig sabihin ng banaag at sikat???
dave..... November 19, 2009 07:15 PM PST anung ibigsabihin nun.....anarkista at sosyalismo.. maganda nga yung kwento..................... sagutin niyo hah.... baka magtanung c sullano..
medzel 14 November 19, 2009 04:27 AM PST sana naman my mga meaning din ng mga salita na ndi mxadong pmilyar sa mga bumabsa
ask qouh lng pouh
ano pouh meaning ng sosyalista at anarkista paki answer lng pouh
kc bka pouh itanong ni
ma'am sullano
pls
dlaneyr cuaton November 17, 2009 05:15 AM PST ninanais ko lamang pong malaman kung saan ko makikita ang buong kwentong ito.
salamat po
NiZzz... or NISSAN ATILLO November 16, 2009 05:43 AM PST ANO PO BA ANG SOSYALISMO?
rose mary November 16, 2009 02:39 AM PST ano poh ba ang mensahe o aral ng tula ???
plsxz answer this important question
TNX
mhadelle November 13, 2009 10:05 PM PST ang ganda ng kwento
ang banaag at sikat
mhadelle November 13, 2009 10:05 PM PST ang ganda ng kwento
ang banaag at sikat
mhadelle November 13, 2009 10:05 PM PST ang ganda ng kwento
ang banaag at sikat
dhelle aimanne mhadelle L.abo November 13, 2009 10:01 PM PST pwede poh bah nyo na lgsian ang buod
ng
banaag at sikat
ang haba kc eah
my buod bang mahaba ?????????????????????????????????????????????????????????????????????
ruth guade November 6, 2009 04:35 AM PST hey tnx...
sana mayroon po lht ung kabanata story n2..
kelangan po kc nmin eh...
bzta ganda po ng story naka2touch nga po eh...
cge po..
inaasahan ko po ung favor na hinihingi q..
thanks po elet
arvin_yamats November 5, 2009 12:35 AM PST tnx sa kwento! galing kahit papano nabasa ko na! haha God bless!
jaja November 3, 2009 12:37 AM PST kitnana nagrigat
Name October 24, 2009 08:58 PM PDT tnx
spencer jusay October 4, 2009 07:12 AM PDT thanks Bro sa gawa o dhil sau nagkaroon ako ng idea sa aking project thanks tlaga pagpalain ka sana ni BRO
mel September 14, 2009 10:04 AM PDT pwede po ba ung bawat chapter isulat nyo rin? kelangan po kc talaga eh! walang ganitong libro sa library namen!
NIKi3 September 8, 2009 06:28 PM PDT Bakit po Banaag at sikat ang pamagat?
19 September 4, 2009 06:57 AM PDT THaNk You Po ..
darvin August 31, 2009 04:36 AM PDT pwede niyo ba akong bigyan ng term papers?
darvin August 31, 2009 04:34 AM PDT bakit banaag at sikat ang naging pamagat?
maribel bathan May 4, 2009 04:06 AM PDT may tula po ba dito na sinulat ni Cesario Y. Torres
tin tin May 2, 2009 06:15 AM PDT ano po ba ang istilo ng paglalahad ng banaag at sikat?
salamat po!
mjroy April 16, 2009 09:05 PM PDT napakaganda ng gawa mo bro subrang magagamit ko, may mga tao pla ang handang magbigay or mag share ng kanilang mga gawa.... thanks again
yanyan March 19, 2009 11:07 PM PDT hayz,ok lng yan peo ang haba pa rin.wla n bah mas maikli jan?
car March 7, 2009 02:07 AM PST anong uri po ito ng nobela?
yahweh January 31, 2009 04:59 AM PST greetings msvidal,
4th year po ako at natuwa ako na may website about sa banaag at sikat....
hinge lang po favor pwede po ba summary ng bawat kanbanta kasi po nahirapan po ako magbasa ng banaag dahil 2 lang po available na libro sa library......
eh ang problem po madami po kami magrereport and kabanata 10-12 ang napunta sa akin at naagawan po kami ng libro para basahin....
pls lang po i need your help
respectfully yours,
yahweh daisog
bluecam January 12, 2009 11:17 PM PST i understand da story......
my teacher in fil 3.........
auau........
jaspher January 8, 2009 05:06 AM PST huh?????
arigato!!!!
salmat gid sang imo gi hambal......
nakatabang gid ni oi!!!1
nqame January 6, 2009 01:50 AM PST
mo gani, hi! lang dah satanan kag sa teacher namon sa fil.
Rica jill January 6, 2009 01:49 AM PST
way gana mga maistra noh!
Rica January 6, 2009 01:48 AM PST
ok! report ni namon sa fil. nakabulig gid
jean January 6, 2009 01:46 AM PST
mo gani, hi! lang dah satanan kag sa teacher namon sa fil.
alfred pable December 27, 2008 09:57 PM PST sana mayroon pang buod ang mga kwento para sa mga proyektong gagawain namin sa pilipino ...... thnks^^
byron December 22, 2008 01:28 AM PST nobela po ba to..? meron pa po bng dlwa..? ung medyo mahaba po..:D kelngan q lng po kz thnx.. pkemail nlng po sken..pls kelngan q lng po..:D thnx// lordbyron_yumul@yahoo.com
jean November 26, 2008 05:38 AM PST salamat kay ma'am hazel.
jean November 26, 2008 05:37 AM PST maganda ang kwento.
makaka2long sa lahat 2.
ka pag binasa nila.
email koh lorensa_jean_26@yahoo.com
salamat kay hazel na basa koh 2.
jean November 26, 2008 05:24 AM PST maganda ang kwento.
makaka2long sa lahat 2.
ka pag binasa nila.
email koh lorensa_jean_26@yahoo.com
salamat kay hazel na basa koh 2.
jean November 26, 2008 05:24 AM PST maganda ang kwento.
makaka2long sa lahat 2.
ka pag binasa nila.
email koh lorensa_jean_26@yahoo.com
salamat kay hazel na basa koh 2.
-ashen- November 8, 2008 06:27 PM PST enx poh d2.nka2Long puh xa xken.
nice story =]
Name November 1, 2008 06:10 PM PDT ang ganda!!!!!!!!!!!! pwamizzzzz!!!!!!!!!!!!^_^
peri October 4, 2008 11:40 PM PDT hi, thank you very much sa buod ng nobela, meron ba kayo dulang panradyo?
peri October 4, 2008 11:34 PM PDT hi, thank you very much sa buod ng nobela, meron ba kayo dulang panradyo?
joseph besmano September 27, 2008 05:51 AM PDT mron po bng buong kwento?
kelangan ko lng po pra sa proj. qoh...slamat n din atleast my buod
joseph besmano September 27, 2008 05:51 AM PDT mron po bng buong kwento?
kelangan ko lng po pra sa proj. qoh...slamat n din atleast my buod
Name May 6, 2008 02:00 AM PDT Taim ketdi a !!!
Liezel_21 March 30, 2008 02:19 AM PDT ndi q nbxa!!!!!!!!!!!! peo AZTIG!!!!!!!!!!!!!
Liezel_21 March 30, 2008 02:19 AM PDT xlamat xa pagtangkilik neu xa akng kwen2!!!!!!!!!! hayaan neu mrmi pa aqng ga2wng maga2ndng kwen2!!!!!!!!! Thankz 4 ur support!!!!!11
bEtH_27fy March 30, 2008 02:17 AM PDT sana marami pang kwento, ang mailagay nio d2..
thankz 4 the lessons!!!!!
more power!!!
Liezel_21 March 30, 2008 02:15 AM PDT ndi q nbxa!!!!!!!!!!!! peo AZTIG!!!!!!!!!!!!!
alexie_08 March 11, 2008 04:00 AM PDT astig ng site! sana mas marami pang mga literary works na mai-post dito!
paulanne March 8, 2008 06:02 AM PST hmm salamat po. dahil dito hindi na ako magtatayp...
harhar.
keep up da gud work
Jhen March 1, 2008 04:52 PM PST Ang ganda po ng site na 'to.. malaking help po 2 especially sa students here in Phils. At least d cla gnong mhi2rapan when it comes to Tagalog researches..
More Power to this site..
jenivie R Manzanero November 27, 2007 08:46 PM PST pero anoEh poEh ba pagkakaiba ng anrkista at sosyalista????????
pki add nio nlng din aQ
jenny_marijuana23@yahoo.com
tnX.............,,
jhynn November 24, 2007 03:29 AM PST o di kaya author ng tulang "luha"....at "mga hudyat ng bagong kabihasnan"
jhynn November 24, 2007 03:20 AM PST sa tulang "luha " po meron ka? at "mga hudyat ng bagong kabihasnan (sa aking bayan)"
mae angeli November 21, 2007 09:31 PM PST real story of banaag at sikat
isabell July 11, 2007 02:44 AM PDT hello my name is isabell I m come from germany : )
Name June 19, 2007 09:37 PM PDT sana mron kau ng panitikan sa ilalim ng pananakop ng mga amerikano
Name June 5, 2007 02:53 AM PDT okei xa ahh...
sonito matcho June 3, 2007 12:00 AM PDT ako po uli c sonito dalpitran isa akong ninja ahm alam nyo marami meng crush una sa lhat ay c rachel padilla sunod reynet sunod ay c dagohoy alam nyo marami meng crush ehh pero sa lhat my gsto akong halikan kila2 nyo b cya? cya c carnilyn dagohoy yes pramis takam n takam nga akong i kiss un ehh ahm hanggang d2 nlng po message ku sa knya i love u ahm w8 meron pang isa c cathirin!
sonito matcho June 2, 2007 11:52 PM PDT ako po c sonito sfddfbzfdhzbfdhfdndvndf
Name March 1, 2007 05:56 AM PST sana pagkatapos ng buod merong kabuuang kuwento
Namevivian January 20, 2007 07:00 PM PST patulong naman mkahanap ng mga buod katulad ng ang pagibig
shandy marcial December 16, 2006 01:12 AM PST hi msvidal,
gagamitin ko po ang iyong blogpost ukol sa nobelang banaag at sikat. nagpa-practicum kasi ako ngayon. topic namin is yung banaag at sikat. nahirapan kasi akong maghanap ng buod nito sa mga aklat kaya sinubuk ko ang internet kaya tumambad ang iyong blog. ipopost ko rin ang ginawa mong buod sa blog ko pero may citation or link na sayo galing ito. ako nga pala si shandy marcial from ateneo de zamboanga university
Every quarter, we are given a magazine in Filipino as an aid in learning. Since
only a few of us have a copy, yours truly have decided to encode all the useful
stuff in there and publish it in a blog for public use.
NDisclaimerN
I do not and will never
own the articles posted on this blog. They belong to the wonderful people whose
names are mentioned after the title. Please don't sue me.
Oh, and for clarification. My name is not Ms Vidal. Please visit my profile
for further details. Ms Vidal is our talented teacher in Filipino, one of the
best, so to speak.