2006-11-08
Luha

Luha

Ni Rufino Alejandro

 

            Wala unang pagsisisi, ito'y laging nasa huli.

 

            Daloy aking luha…Daloy aking luha, sa gabing malalim.

 

            Sa iyong pag-agos, ianod mo lamang ang aking damdamin, hugasan ang puso—yaring abang pusong luray sa hilahil, nang gumaan-gumaan ang pinapasan ko na libong tiisin!

 

            Nang ako'y musmos pa at bagong namukad yaring kaisipan, may biling gayari si Ama't si Ina bago sumahukay. "Bunso, kaiingat sa iyong paglakad sa landas ng buhay ang ikaw'y mabuyo sa gawang masama'y dapat mong iwasan."

 

            Nang ako'y lumaki, ang pahat kong isip ay biglang nagpakpak, ng kapalalua't ang aral ni Ama't ni Ina'y hinamak; sa maalong dagat ng buhay sa mundo'y nag-isang lumayag, iniwan sa pampang ang timbulang baon na aking tinanggap!

 

Malayang tumungga sa sarong may lason ng kaligayahan na itong huli na'y nakilalang alak na nakamamatay. Ang pinagbataya'y dapat magpasasa sa kasalukuya't isang "Bahala na!" ang tanging iniukol sa Kinabukasan!

 

            Kaya naman ngayon, sa katandaan ko ay walang nalabi kundi ang lasapin ang dita ng isang huling pagsisisi; tumangis sa labi ng sariling hukay ng pagkadugahi't iluha ang aking palad na nasapit na napakaapi!

 

            Daloy, aking luha…Dumaloy ka sa ngayon at iyong hugasan ang pusong nabagbag sa pakikibaka sa dagat ng buhay; ianod ang dusang dulot ng tinamong mga kabiguan. Nang yaring hirap ko't susun-susong sakit ay gumaan-gaan!



Currently listening to:
Immortality
By Celine Dion



Posted at Wednesday, November 08, 2006 by Tari_Coamenel

Name
November 24, 2009   05:31 AM PST
 
anu po ang kahulugan ng pusong luray?
Name
November 11, 2009   04:07 PM PST
 
you so selfish.!
regine
November 10, 2009   12:03 AM PST
 
ahm ang ganda mo ng tula nyo..
Name
October 27, 2009   09:40 AM PDT
 
anong persona ang nagsasalita sa tula?
mAtAnG_bAkLa
October 4, 2009   01:46 AM PDT
 
GAling pa Copy!!
Name
November 5, 2008   04:24 PM PST
 
ano ang kahulugan ng sa katandaan ko ay walang nalabi kundi ang lasapin ang dita ng isang huling pagsisisi?
Name
November 5, 2008   12:22 AM PST
 
meron bang larawan na pagpapahag na luha
aubrey
November 4, 2008   01:51 AM PST
 
ano ang kahulugan ng pusong luray sa hilahil
Name
November 4, 2008   12:47 AM PST
 
kahulugan ng Nang ako'y lumaki, ang pahat kong isip ay biglang nagpakpak
Name
November 4, 2008   12:45 AM PST
 
Nang ako'y lumaki, ang pahat kong isip ay biglang nagpakpak ano ba yun?
 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments





Previous Entry Home Next Entry



   

<< November 2006 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04
05 06 07 08 09 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30

Every quarter, we are given a magazine in Filipino as an aid in learning. Since only a few of us have a copy, yours truly have decided to encode all the useful stuff in there and publish it in a blog for public use.

NDisclaimerN
    I do not and will never own the articles posted on this blog. They belong to the wonderful people whose names are mentioned after the title. Please don't sue me.

Oh, and for clarification. My name is not Ms Vidal. Please visit my profile for further details. Ms Vidal is our talented teacher in Filipino, one of the best, so to speak.


adopt your own virtual pet!
adopt your own virtual pet!

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed