2006-09-25
Saan Patungo ang Langay-Langayan

SAAN PATUNGO ANG LANGAY-LANGAYAN?

 

ni B. S. Medina, Jr.

 

            Iisa lamang ang aking mithi. Ang makalaya sa kaalipinan. Pagkat alipin ako.

           

Alipin ako ng aking sariling pagananasang guminhawa at lumigaya ngunit nababakla ang daigdig na sa wari’y lumalaki, at ako’y naiiwan tila butil ng buhanging makapuwing ma’y di makasugat. Alipin ako ng sariling nangangambang di makarating sa paroroonan (ngunit saan?) gangga-binlid na sarili. Alipin ako ng aking sariling nagnananasang makatawid sa dagat ng pakikitalad na payapa kung minsan ngunit kadalasa’y maalimpuyo. Alipin ako ng sariling pagkat luwad ay makaluwad, pagkat ako’y sa tao ang puso, diwa at kaluluwa. (Ngunit hindi ba ako’y likha ng Diyos? At sa kanya iniwangis? Nasaan ang pagkawangis na iyon? Nasaan ang aking pagka-Diyos?)

 

            Ito ang aking mithi: Paglaya.

 

            At ako’y nagtatanong: Ano ang paglaya?

 

            Ang paglaya’y ang pagkakilala sa sariling kakayahang mabuhay sa daigdig ng kawalang-katiyakan, ang pagkaunawa sa tunay na kahulugan ng buhay (na di lagging katuwaan, ngunit di rin naman laging kapighatian). Ang paglaya’y ang pagkakilala sa maraming suliranin sa buhay at ang pagkatulong malutas ang mga ito. Ang paglaya’y ang pagkaunawa sa puu-puong kahulugan ng damdamin ng tao. Ang paglaya’y ito: ang pagkaunawa sa sarili at sa daigdig. Ngunit paano ko mauunawaan ang aking sarili?

 

            Sa salamin, ang larawan ko’y mistulang ako: naroon din ang buhok na dating malago, ngayo’y manipis, ang mukhang hawas na may guhit na ng hapis at kahapon, ang katawang dating matipuno’y mahagway ngayon. At sa kamalayan ay naghuhumiyaw na tanong: Sino ka? Nakikilala mo ba ang iyong sarili? Hindi! Oo! Nakikilala ko ang aking sarili sa kanyang hubad na larawan, ngunit di ko lubusang natatalos ang tunay na kalooban, pagkat hanggang ngayo’y gapos pa ako ng kahangalan, bigti pa rin ako ng karuwagan, alipin pa rin ako ng kasalanan. Wala sa akin ang pagkaunawa sa aking sarili, lubha pa sa kaninuman: ako’y hindi malaya at ngayon, akong dating maraming makamit, akong dating maraming nais marating, akong dating maraming mithiin sa buhay, ay may iisang pagnanais na lamang – ang makalaya sa kaalipinan.

 

            Hinahanap ko ang kalayaan, sa kapatagan, sa kabundukan, sa bayan, sa ilang na pook, sa lahat ng dako ng daigdig; sa hilaga, sa kanluran, sa timog, sa silangan; nariyan sa alinman diyan ang kalayaang hinahanap ko. Alam ko: Ang kalayaan ay nasa lahat ng dako. Ito’y tila hanging malayang malalanghap (ngunit may pumipigil sa aking paglanghap): ito’y tila hanging malayang madarama (ngunit mukha ko’y namamanhid). Paano ang malayang paglanghap ang malayang pagdama, paano?

 

            Sa salamin ay naroon ako.

 

            Ako’y lalaking tinukso ng pagkakasala sa pamamagitan ng nilikhang sa tadyang ko nanggaling. Bakit nangyari ito, sa akin ang buong Paraiso; walang hapis, pawang ligaya. At nang ito’y naganap, nawala ang ligaya, nahalili’y hapis. At ako’y napahiya sa sarili, unang-una. Tumingala ako. Sa kabughawan, sa bunton ng mga ulap, hinanap ko ang Maykapal, ngunit wala siya. Inulilig ko ang kanyang tinig, ngunit biningi ako ng katahimikan. Nasaan ka, Diyos ko? Bigla-biglang sinaklot ng pangamba at agam-agam ang aking katauhan. Mawawala na sa akin ang mga biyayang kaloob ng Maykapal. At nang bumaba ang Serafin, batid kong tuluyan nang nawaglit para sa akin ang Paraiso: Hindi na ako malaya: pagkat alipin na ako ng aking sariling pagkasala.

 

            Sapul noon ay hinanap ko ang kalayaan.

 

            Buhat sa Paraiso, ako at ang aking katambal ay may tataluntuning landas sa paghanap ng kalayaan ng dating kaginhawaan at kaligayahan, ngunit saan? Di ba tanging Paraiso lamang ang katatagpuan ng walang-katapusang ligaya? Sa kabughawan ng langit ay naroon ang nagsasalimbayang mga langay-langayan. Nakikita ko ang langkay-langkay na mga ibon sa kanilang paglipad. Ngunit saan patungo ang langay-langayan? At ako, kasama ang sa aki’y nagbuhay, katulad ng langay-langayan, ay saan patungo? Saan masusumpungan ang ligaya at ginhawa, ang kalayaang sa wari’y tuluyan nang nawaglit?

            Ito ang natitiyak ko: habang may buhay , ako’y ako rin: ang tao. At saka ito: ang patutunguhan ko’y walang katiyakan, pagkat inilulunsad ko ngayonang aking daong sa dagat ng pakikitalad; pagkat sa akin at sa kasama ko ay pinid (matutuluyan kayang pinid?) ang Paraiso.

            Ang daigdig ay totoong malawak: hindi masundan ng aking paningin ang haba’t luwang nito. Batid ko na kung makalalagos ang aking paningin sa tinutuntungan kong lupa’y hindi maaabot ng tingin ang lalim nito. Sinlawak ng kalupaan ang karagatan. Ang dagat ay tubig. Sinasabing ang tubig ay kristal na napananalaminan. Marahil sa pagiging kristal nito’y makikita ko ang pusod ng dagat, makikita ko ang kagandahang itinatago niyon. Subalit hindi: ang dagat ay singhiwaga ng lupa. Sumalok ka ng tubig, magagawa mo’t masasalat ang kanyang kanipisan, ngunit sa kabila nito’y hindi mo makikita kung ano ang inililihim sa ilalim.

            At nauunawaan ko. Mahiwaga ang daigdig, at ako, kasama ang sa aki’y nagbuhat, ay maglalakbay sa dagat ng pakiktalad nang may isang mahalagang bagay na nababatid: kahiwagaan. Kaya marahil hindi ko maware ang sarili: kaya marahil hindi ko nakilala ang tunay kong kaakuhan, pagkat nababalot ng hiwaga ang Tao.

            Maganda ang sikat ng araw. Nadama naming ang init. Sumalab sa balat. Sumilong kami sa ilalim ng malalabay na sanga ng unang punong aming natagpuan. Saka lamang kami nakadama ng bahagyang ginhawa. Ngunit pagod na kami. Masakit ang aming mga paa. May galos at paltos na ang aming mga talampakan. Nakadama na kami ng sakit. Wala na nga kami sa Paraiso: doon, ang nayayapaka’y alpombrang malambot, maginhawa. Wala na, wala na kami sa Paraiso. At ngayong tumatagal ang aming inilalagi sa labas na iyon ay nakadarama na kami ng uhaw. Nanunuyo ang aming lalamunan. Patuloy ang paggiti ng saganang pawis. At kumakalam na ang aming sikmura. Ngunit anong hiwaga! Ang punong kinatitigilan namin ay may bungang nakabitin. (“Huwag ninyong kakainin ito.” Walang gayong tinig kaming naririnig. Gaya noong makalimot kami.) iniabot ko yaon: ngunit mataas ang sanga, hindi kayang lundagin. Kailangan kong akyatin ang puno. Ito ang pakikitalad, ito ang pakikipamuhay, ito ang kaalipinan. Pagkat alipin na ako ng aking sarili. Ng daigdig, ng buhay. Hindi na ako malaya.

            Noon nagbagu-bago ang anyo ng araw – naroong sumilip, sumikat, kumubli. At nagbagu-bago ang kulay ng langit – naroong bughaw, abuhin, itim. At noon nagbagu-bago ang hampas ng hangin – naroong mayumi, masungit, mabangis. Ang mga ito’y tanda ng kawalan ng katiyakan ng anumang bagay sa daigdig. Ito ang kahiwagaang bumabalot sa lahat ng nilikha.

            Noon ko nadama ang puu-puong damdamin. Mga damdaming kay hirap unawain: ito ay kaalipinang pinagdurusahan ng sarili. Gayundin ang nadarama ng katambal ko. Sinimulan naming pagtuwangan ang pakikipagsapalaran, gumawa kami ng masisilungan laban sa init at lamig, laban sa sungit ng panahon at kalikasan. Gumawa kami ng damit laban sa init at lamig, sa panahon at kalikasan. Ngunit ano itong pakikipagtunggali sa kalikasan? Di ba’t sa kalikasan kami nabubuhay? (Ito, ito ang kahiwagaang bumabalot sa katotohanan – nagbibigay-kulay, nagbibigay-ganda, nagbibigay-halaga. Pagkat hindi ba kapag may hiwagang nais liripin, kumikilos ang mga tao, nagpupunyagi? Ang pagsisikap na ito ang pintig ng buhay na lumilikha ng kulay, ganda, at halaga.).

            Akong Tao at ang katambal na sa tadyang ko nanggaling ay magkasama habang may buhay sa daigdig. Magkasama kami sa pakikipagtunggali. Pagkat siya rin ang kasama ko sa Paraiso. (Noo’y pawing ligaya!) Ngayon ay hindi ko matingnan ang katawan ng aking katambal. Hindi ko na matitigang matagal ang hubog niyon, pagkat nagdadalang-hiya ako. Ngunit may nadarama akong kakaibang damdamin, hindi yaong pag-ibig na mapagkupkop, malambing, magiliw, kundi mabangis, mapilit, maalab. Gayundin marahil ang nadama ng aking katambal. Kasabay ng damdaming iyon ang kamalayang dadalawa lamang kami sa daigdig (“Hayo at magsupling!”) kailangan naming ng kasama. Nasaan ka, manlilikha! Nasaan ka, Diyos! Narito! Narito! Nasa aking sarili: ako ang manlilikha, ngunit sa aba ko, hindi ako ang Diyos! Ito ba ang bahagi ng pagka-Diyos sa akin? Ang damdaming nadarama ko? Ito na ang pag-ibig sa kanyang lalong makabuluhang katuturan: maalab, mapilit, mabangis!

            Ang ikalawang salin ay sa damdaming iyon nagbuhat. Sa ganyan ding damdamin magbubuhat ang iba pang salin. Ang lahat at lahat ay sa damdaming iyan magbubuhat. At ako, na Tao, at siya na katambal ko, ay nagsupling: supling at supling: salin at salin. Ito ang kahiwagaan ng paglikha sa Tao: kayraming kawangis, kahawig: kayraming kawangis ng Diyos, kayrami niyang binigyan ng bahagi ng kanyang pagka-Diyos. Hindi mapupuwing ang katotohanang itong napasaakin: ang pag-ibig ay bahagi ng Diyos na isinapi sa Tao.

            Kayraming tao sa daigdig. Kayrami kong kawangis, kayrami kong kawangis, kayrami kong larawan. Dumarami ang sakay ng daong naming nakalutang sa dagat ng pakikitalad at saka nahasik ang iba-ibang damdaming taglay ang hiwaga ng pakikipamuhay. Ang katapat ng pag-ibig ay nabigyang-tiis, naging poot, at saka nag-usbong ang pakikipagkaisa o pagbukod, pakikipagtalik or pakikipagalit. Sumibol ang pakikipag-unawaang naging pakikipag-digmaan.

            Ito ang hininga ng buhay: ang pagtigil sa daigdig na ito ay isang malaking pakikipaghamok, buhat sa Paraiso’y napalutang na ako, kasama ang sa aki’y nanggaling, sa dagat ng pakikitalad. Ngunit ano itong pakikipaghamok – pakikipaghamok sa sarili o sa daigdig? Ito’y pakikipaghamok sa sarili o sa daigdig. Nababatid ko, sapagkat nadarama ko rin ang iba-ibang damdaming nasaksihan kong nagpagalaw, nagpakilos, sa aking mga supling sa lahat at lahat. Sa Tao.

            At habang umiinog ang araw – sumisilip, sumisikat, kumukubli ay nadarama ko ang pagbabago: nasaksihan ko, naririnig ko, nalalanghap ko. Ang mga pagbabagong lalo’t laong naglalayo sa akin sa Paraiso. Nawawala, nawawala nang tuluyan wari ang Paraiso, at ako’y tila ganap nang magiging alipin ng aking sariling nagkasala (ulit-ulit kong sinasabi: Diyos ko, Diyos ko, subalit ang taghoy ay walang tinig.).

            Nagbabago na rin ang tanawin. Marami nang gusaling naitayo: bato, kahoy, putik. Ang kapatagan ay pinarikit ng mga halamang tanim ng mga Tao. Ang kagubatan ay unti-unting nahahawan. Subalit Diyos ko, ako man ay nagbabago; nawawala ang dating lakas – tumatakas, tumatakas. Ngunit kailangang maikulong ko sa aking kalamnan ang lakas upang tumibay ang katawan ko sa pakikitunggali sa buhay.

            Marami-marami na ang aking mga supling: marami na ang tao. Lumalawak ang sakop ng tao. Ang mga pook-pook ay sumisikip: sa malas ay lumiliit ang kalupaan ngunit kabalintunaan, lumalaki, lumalaki ang daigdig, pagkat nabibigayan niya ng lunan ang lahat. (Ito ang kahiwagaan ng daigdig: may puwang sa kanyang kaliitan ang lahat na parami nang parami: lumalaki, lumalaki ang daigdig at akong Tao ay naiiwang tila butil ng buhanging makapuwing ma’y di makasugat: pagkat alipin. Ang tinig ko’y walang lakas pagkat wala akong laya, taghoy ko’y walang tinig.)

            Sumilang ang mga bayan-bayanan. Nakalikha ang mga tao ng mga wika at paraan sa pagsulat, natutuhan ng mga supling ko ang mga makipag-unawaan sa isa’t isa sa pamamagitan ng salita (sari-saring salita) at sulat (sari-saring sulat). Subalit dahil din sa pagkakaibang ito’y ng-uugat ang di-pagkakaunawaang pagkat nawawala ang tatak ng pagkakaisa. Isa pa ring kabalintunaan: bumuo ng salita upang magkaunawaan, ngunit siyang salita ring dahilan ng di-pagkakaunawaan. Bakit ganito? Pagkat sumipot ang pagkakani-kaniya, sumibol ang pagkamakasarili. Ito’y mga tanda ng pagkagapi, ng pagkatalo, ng sarili: napaalipin nang lubos ang tao sa sariling nagkasala, hindi, hindi nga ako malaya!

            Nagkaroon ng sariling ari-arian ang tao. May mga kasangkapang tanging kanila, walang makakagalaw. Gaya rin ng karapatang kumilos, lumakad, manahanan, mabuhay na hindi dapat sansalain. Ito’y ipagtatanggol hanggang sa magtigis ng dugo at kumitil ng buhay! May mga kagamitang kanya: iilang malapit sa puso lamang ang makagagalaw. Dito nagbinhi ang inggit at pag-iimbot, pagkat may mga taong nagnanais na magkamit ng ari ng iba. Kung may mga supling akong mapanarili, mayroon pa ring naging mapagkamkam.

            Sa salamin ay minasdan ko ang aking larawan, pagkalipas ng maramin-maraming panahon. Nahahapis ako, may pilak na ang aking buhok.

           


Posted at Monday, September 25, 2006 by Tari_Coamenel

lovely
November 4, 2009   04:50 PM PST
 
wala na po ba kayoung ibang kwento na tungkol sa kalayaan?????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????
Namelota fuentes
October 28, 2009   12:03 AM PDT
 
ang ganda ng story pewo la po bang pinaikli pa diyan?????>?????
Namelota fuentes
October 28, 2009   12:02 AM PDT
 
ang ganda ng story pewo la po bang pinaikli pa diyan?????>?????
denads
October 27, 2009   08:08 AM PDT
 
sapat gawan nyo yan ng buod sahil nakakatamad magbasa
denads
October 27, 2009   08:08 AM PDT
 
sapat gawan nyo yan ng buod sahil nakakatamad magbasa
macky
October 23, 2009   07:40 AM PDT
 
........ WALA PO BA KAYONG EXAMPLES BUKOD PA DYAN
ressel
October 22, 2009   03:39 AM PDT
 
wla ba kayon buod? sana mayroon para hindi makapagod mag basa
JOM
October 20, 2009   11:04 PM PDT
 
SA NA PO MAY MGA LARAWAN NMN PARA DALI NAMIN MA INTINDIHAN KAHIT NA LUMILIPAD NA IBON SA IBABAW NG BARKO
joemarie
October 20, 2009   11:02 PM PDT
 
grabe ang dami pero ok lng un nakakatulong nmn sa shcool namin da beast talaga
nackie
October 19, 2009   04:44 AM PDT
 
wow!!! SOPER HBA,PERO INFAIRNESS ANG GANDA NG STORY..
awesome!!
dupla
October 18, 2009   08:27 AM PDT
 
para kayong buratn tulad ko na adik
AZAZEL
October 16, 2009   09:59 PM PDT
 
WALA BA KAYONG MGA BUOD NANG LANGAYLANGAYAN???????????????
???????????????
??????????????
?????????????????????????????????
?????????????????????
??????????????
?????????
?????????????????????
?????????????????????????????????
????????????????????
??????????????????????
????????????
?????????
??????????
?????????????????
????????????
??????????????
?
?
?
?
?
??
??
?
?
???
???????????
????????
?????????
????
???
??
?
?
?
?
?
?
?
?
?
?
?/
/?
?
?
?
?
?
?
??
?





?
??
?
?
?
?
?
?
?
?
?
?
??
?
?
?

?
??
?
?
?
?
?
?
??
?
?
?
?
??
?
?
?
?
?
?
?
? yuy u


??

?
??
??
?
?
??

?
??
?
?
Name
October 16, 2009   09:57 PM PDT
 
gagoooooooooooooooooo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
lala
October 16, 2009   05:52 AM PDT
 
ewannnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn
luio-gi
October 15, 2009   01:57 AM PDT
 
la vang vuod???????????????????????????
melvin
October 13, 2009   06:05 AM PDT
 
pahingi naman ng kwento ng sa lupa ng sariling bayan
melvin
October 13, 2009   04:49 AM PDT
 
hheheheheheehehehheehhe grabe sobrang haba naman ala po bang buod nyan luluwa nanaman ang mata ko sa kakabasa
remi
October 12, 2009   12:23 AM PDT
 
why do i have to report this? huhuhu T_T medyo mahirap
john ach
October 11, 2009   01:44 AM PDT
 
taaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaas
mac
October 11, 2009   01:32 AM PDT
 
pahingi naman po ng buod..di ko ksi maintindihan..ang haba kasi eh....
jivic
October 10, 2009   06:16 PM PDT
 
wow . . . .. grave magasto dya sa paprint . .........nami muguta lang bh.......
smash
October 10, 2009   04:36 PM PDT
 
nako ang haba grabe napakataas"""__"""""napa kagandang istorya
unkown
October 9, 2009   01:47 AM PDT
 
wow...title pa lang ulam na!!!!
diane
October 8, 2009   05:16 AM PDT
 
hi!!! ito po yung rprt sa filipino subjct namin bukas.,,,, this story was indeed beautiful and meaningful!!!! feel ko talagang ireprt 2!!

tnx!!! very nice site!!
Highly baylon ö17
October 6, 2009   07:04 AM PDT
 
-" haba. .GODBLESS make it naturaly .
Highly baylon ö17
October 6, 2009   07:01 AM PDT
 
-" ang hba pwd pu ba mgtanung anu pung purpose ng kwento ng ganyan kasukdulan ang mga words pangarap qpa nman mging writer dpt b tlga ganto mgnda cguro qng natunary nlang db . .nga pla add fb n fs nhikkilylove@yahoo.com
lorraine c.
October 6, 2009   05:13 AM PDT
 
ang gndna ng storyng ito//////////
bakla cgro gmwa nito tsuparotiz/../../.
lorraine c.
October 5, 2009   04:17 AM PDT
 
kung susuriin p0 ay talagang walang duda ang kagandahan ng inyong isinulat na sanaysay. ito po ngayon ang aming topic sa filipino at talaga naman pong duguan ang aming mga ilong... sobrang lalim :-)
Name
September 24, 2009   07:00 AM PDT
 
f tn46tj
iwhixh
September 24, 2009   02:30 AM PDT
 
ala man lan6 pix nan langay.lan6ayan??
Name
September 22, 2009   07:10 PM PDT
 
bakit walang buod to ano ba yan gawan nyo naman ok !!!
mariz gotera
September 20, 2009   02:51 AM PDT
 
waaaaaaaa love you reymar paguio kc cute ka txt mo ko 09213204853
mariz gotera
September 20, 2009   02:51 AM PDT
 
waaaaaaaa love you reymar paguio kc cute ka txt mo ko 09213204853
areeyah^_^
September 19, 2009   10:46 PM PDT
 
ndi ko po xa maintndihan..
meon po bng ms mdaling pliwnag?..
xlamat..
mai long test poh ksi xa tues. about dito..
jeric espino
September 17, 2009   05:41 AM PDT
 
ang ganda talaga wala akong masabi sa kwentong ito.sana intindihin nyo ok bye! i love you gerly jeric ;from 3 kasoy
jzel
September 17, 2009   02:18 AM PDT
 


ok,nabasa ko na 2,ung iba hnd ko xa maintindihan,pero,naka2lung sa akin.
cedrick salom....
September 11, 2009   10:12 PM PDT
 
ang ganda naman ng story,idol kuh nah writer nto..,
budoy and tipanie
September 11, 2009   03:26 AM PDT
 
ano ba yan wala kaming makita
channnnggg :]
September 7, 2009   03:53 AM PDT
 
wow ahh haba...ktmad bshin... hehe
cherry ann
September 6, 2009   10:15 PM PDT
 
kahit hindi ko pa nababasa lam ko na maganda at kapakipakinabang i2 sa akin.'


april :)
September 6, 2009   06:22 AM PDT
 
ang haba po ng stOry...tinatamad akong mg cOpy..hehe..huhu...haYz.!
perO sana mn lng mY picture ng langaylangayan para lalong maintindihan ko at lumawak ang pg iisip kO...ahEhEhe...mY prOjEct nA mE ...kApAGoD mg sULat huh!tsk..!
bong
September 5, 2009   12:24 AM PDT
 
haba poh nto grabe!!
Duday
September 1, 2009   05:04 AM PDT
 
yipee. may assignment na ako. kaso nde ko pa nababasa. katamad kase. haha. salamat sau. sa nag-post dito. papatayin kasi ng tikser namen pag wala kameng assignment, ahaha!
pjjl
July 2, 2009   04:46 AM PDT
 
anu poe bah ang ibigsabihin ng di mapahayang gatang?

salamat
cyle brylle
July 1, 2009   09:14 PM PDT
 
ano po ba yan habahaba pwede tanong saan ba patungo talaga ang langaylagayan di ko kac maintindihan nakakaantok sa haba!!!
michelle
June 23, 2009   10:50 PM PDT
 
galing nman...
jhethr""
June 21, 2009   12:49 AM PDT
 
haiztt"" imgine mo kaw un?? kaw c adam..
very truthful/realistid ahh!! nc111
arviejoy24
June 18, 2009   02:02 AM PDT
 
anu ba nangyari sa kwento na yan?? ang haba-haba kc eh..! hahaha... geh..my assignment na ko.. tnx! pagpatuloy mo lng.. :)
gEnIouS aQ
June 15, 2009   03:16 AM PDT
 
gAndA nG IstOryA,,, tnx!! may assignment na aq.. pag pa2loy mo lng yan..
rezpetada
June 12, 2009   02:41 AM PDT
 
..taenang yan!!!

..ang haba ng story nyo!!!
mona liza pastrana
June 11, 2009   09:38 PM PDT
 
wow thanks me assignment nahhh akohhh
Hayden Kho
June 10, 2009   08:28 AM PDT
 
anu ba yan bang haba ^^ inantok ako.. pero salamat parin mgnda sya kso ung mga words na ginamit msydong malawak... d nmn lng mkita sa diksyunaryo ko... kailangn ko pnmn ngaun un ahha nweiz salamat sa ngPOst u did a great Job,,,
kyle
February 24, 2009   05:13 AM PST
 
panet mo
ehmjhei
January 12, 2009   10:19 PM PST
 
pwede p vah mkuha un script ng mga
"himala,sinag sa karimlan"tnx
maye
October 23, 2008   04:19 AM PDT
 
salamat ng marami..
totoong totoo ung cnbe sa akda..
masasabing isang magaling na manunulat si G. medina jr.
mark
October 19, 2008   03:32 AM PDT
 
ano po ba yung buod nito
Vanessa Gregorio
October 18, 2008   08:58 AM PDT
 
marami ang hindi nakakaalam na malaya sila. akala nila, hindi. ngunit pinatutunayan lamang ng akdang ito na tama, tayo'y malaya ngunit sa Diyos lamang makahahanap ng TUNAY na kalayaan.

at pag-ibig.

maraming salamat sa bumabasa nito.
andrea
October 16, 2008   06:43 PM PDT
 
tenk'x sa site n2..very useful!!
sana maraming mkabasa n2 ng mka relate cla za country!!hehe
AILYN
October 15, 2008   03:27 AM PDT
 
ELOW...poh.........
ano po ang gintong aral na makukuha sa sanasay na ito?
pls. repz...poh..........
mark
October 13, 2008   08:14 PM PDT
 
sana naman po... may picture kayu ng langay-langayan... kasi ang ganda ng inyong isinulat kaya nga lang... pinapaproject sa amin yung picture ng langay-langayan eh
deadrose
October 13, 2008   07:03 AM PDT
 
hi! pwede paki add fred_lyn143feroslyn@yahoo.com
ganda nuh? ang ganda ng message ng may akda!
deadrose
October 13, 2008   07:02 AM PDT
 
hi! pwede paki add fred_lyn143feroslyn@yahoo.com
ganda nuh? ang ganda ng message ng may akda!
deadrose
October 13, 2008   06:59 AM PDT
 
maganda ang akda
ang 2ngkol sa pag hahanap ng kalayaan ay lubhang mahirap........... kaakibat nitoy maraming paghihirap......
jelene
October 13, 2008   01:59 AM PDT
 
si adan ba nagsasalita jan? sagutin nyo na po ako asap!
sakurachene
October 12, 2008   01:24 PM PDT
 
ano po ba meaning ng story na yan di ko po kasi magets eh!!!
pipo
October 9, 2008   11:32 PM PDT
 
ang ganda talaga ng nilalaman ng sanaysay!!!!!
rodlyn
October 9, 2008   06:59 AM PDT
 
etong story po na to... me sobrang importantent event na nangyri dahil dito... iniwan kami ng fav. teacher ko kasi walang nagbasa... alam ko paiyak na xa nun... sayang sa lahat ng teacher ko, xa pinakamagaling... sory po mam quinto... we luv u po....flem-3
jecca duran
October 9, 2008   06:35 AM PDT
 
nadi q maunawaan ang lalim ng kahulugan
jecca duran
October 9, 2008   05:31 AM PDT
 
ang ganda naman nito ano ba ang minimithi ng may akda about this topic....
minaganda
October 7, 2008   04:25 AM PDT
 
ang sama dahil baling haba!!!!!!!
denmark
October 7, 2008   04:19 AM PDT
 
hindi ko maintindihan ang kwento.......
denmark
October 7, 2008   04:19 AM PDT
 
hindi ko maintindihan ang kwento.......
ayumi
October 2, 2008   07:37 PM PDT
 
ang ganda ng sanaysay ngunit sadyang hirap basahin,,,,
carl
October 2, 2008   01:22 PM PDT
 
may buod po ba yan, kelangan ko kasi eh, asap n yun. tnx
jacob sicat
September 29, 2008   06:12 AM PDT
 
Hi, maraming salamat sa website na ito kasi mas naintindihan ko yung mga salita at yung textong ito,nsa libro naman namin ito ngunit nakakabagot mag basa ng napaka haba na nasa papel lamang thanks po talaga sa site na ito!!!!!!!!!!
Hanna
September 22, 2008   06:23 PM PDT
 
Ang ganda talaga ng sanaysay na ito dahil sa mga words na inilagay
Noraisah
September 21, 2008   08:17 PM PDT
 
ds story s so wondrful..bt actually we hav ds story n our bok...ur work s mor useful coz i undrstand 8 easily, not lyk n our bok, its too long...by d way, 8 rely helps me comprehend ds story..its a nice one...
RICHARD
September 16, 2008   05:15 AM PDT
 
maganda ang story ngunit may mga salita na hindi mo gaano maintindihan pero ok parin anyway maganda talaga ang story yun lang so guyzzzz read it para may ma22nan din kayo and most don't forget 2 take care of yourself ok.......
aLLin07...
September 14, 2008   05:25 AM PDT
 
,ai nakuh,,npkagnda ng nLLmaN nG tExt nA2,,nKa2gNanG bShin,,kH8 hNdi,jejEj!!!jowk,,
kkkkkkanNkakateme
September 10, 2008   06:16 PM PDT
 
hi! may buod duh ang istoryang ito?????ang taas kc!!!
pau
July 23, 2008   10:16 PM PDT
 
nice story kasi lahat ng tao ay may sariling kalayaan pero kalayaan ay gamitin sa tamang paraan
Name
June 28, 2008   06:54 AM PDT
 
i lOve This StoRy Cause About sa HinaHanap Nyang KalaYaan
linel villacorta
February 22, 2008   10:45 PM PST
 
i love it ksi very useful sa pag- aaral!!!!!!!!!
maricel
November 4, 2007   04:59 AM PST
 
maganda talaga ang pasasalita/ pasasabi sa stury.......

hehehe........

yan lamang ang masasabi q..............
mims
October 9, 2007   06:51 AM PDT
 
nica ung langay-langayn yn ung ibon na mkkta mo sa gubat..hehe
nica
October 1, 2007   05:40 PM PDT
 
nuh po ung langay-langayan??.
nadine
March 17, 2007   08:47 PM PDT
 
very useful and reflexive tog text na to...
 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments





Home Next Entry



   

<< September 2006 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02
03 04 05 06 07 08 09
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30

Every quarter, we are given a magazine in Filipino as an aid in learning. Since only a few of us have a copy, yours truly have decided to encode all the useful stuff in there and publish it in a blog for public use.

NDisclaimerN
    I do not and will never own the articles posted on this blog. They belong to the wonderful people whose names are mentioned after the title. Please don't sue me.

Oh, and for clarification. My name is not Ms Vidal. Please visit my profile for further details. Ms Vidal is our talented teacher in Filipino, one of the best, so to speak.


adopt your own virtual pet!
adopt your own virtual pet!

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed